It’s me again… please forgive me with my endless question with this so called BLOGGING WORLD…. as usual… playing as innocent dummy (hey is there a book “Blog for dummies”?).
Here’s my question: Can I also post (upgrade, publish … or whatever term you call it) poem as blog? Poem such as this one:
Si Mangpol At Ang Kanyang Tunay Na Ligaya
Lumuwas ng Maynila para makipagsapalaran
Namasukan bilang waiter sa isang kainan
Ang binatang si Mangpol na taga-Romblon
Nagsikap mag-aral kahit panggabi pa ‘yon
Napagkatiwalaan sa kanyang trabahong pinapasukan
Kaya naman ang binatang si Mangpol ang nauutusan
Pumupunta ng Divisoria para mamalengke
Paninda’y araw araw iba’t ibang putahe
Sa dalas ng kanyang pamimili kanyang nasisilayan
Isang dalagang tsinita sa kabilang tindahan
Dahil sa kanyang simpleng kagandahan
Ang binatang si Mangpol nakipagkaibigan
Ligaya ang pangalan ng masayahing dalaga
Na taimtim na nagdarasal ng kanyang nobena
Na ipagkaloob ng Diyos ang tamang mapapangasawa
Makakasama sa pagbuo ng isang Kristiayanong pamilya
Humihiling ng hudyat mula sa itaas
Na kung sino man magbigay ng pulang rosas
Sa nalalapit na okasyon at sa tamang oras
Mula sa kanyang mga manliligaw sumusuyo ng madalas
Dumating ang araw ng okasyon na hinihintay
Ni isang manliligaw niya walang nagbigay
Nang pulang rosas para sa kanya ialay
Inakalang wala sa kanila mamahaling taglay
Ngunit ang ibinigay ng binatang si Mangpol
Isang greeting kard para sa dalaga’y iukol
Pagbati mula sa puso na ang larawang nakapaloob
Isa pa lang pulang rosas na sa kanya ipinagkaloob
Tunay nga ang Diyos sa kanilang dalangin ay tumugon
Sapat na buhay at mga anak sila’y nagkaroon
Apat na lalaki tulong-tulong sa pagbabangon
Nang isang kristiyanong pamilya tiwala sa Panginoon
Dumating ang araw ang bawat anak ay lumisan na
Kanya kanyang buhay paghahanda sa sariling pamilya
Dada-dala’y mga gintong aral natutunan sa ama’t ina
Pamarisan ang pamilya ng pamumuhay na tama
Isang araw sa buwan ng Oktubre
Mabigat na karamdaman kay Mangpol nadiskubre
Unti-unti’y pumapayat ang dating masiglang katawan
Mula sa sakit sa dugo na kanyang nararamdaman
Mula noon labas pasok na sa pagamutan
Kasama si Ligaya na hindi siya iniwan
Si Mangpol dumadalangin para sa kanyang kalusugan
At makapaglingkod pa sa Diyos kung pahihintulutan
“Panginoon, kung nanaisin Niyo pa po,
Pagkalooban pa ako ng buhay dito sa mundo,
Iaalay ko pa rin natitira buhay paglilingkod sa’yo,
Bukas po sana pagalingin Ninyo ako.”
Ito ang huling panalangin niya ng gabing iyon
Pagka’t kinabukasan sa banal na oras ng hapon
Si Manpol ay humarap na sa kanyang Panginoon
Handa sa pagtatagpong ito mula pa noon
Tunay na kaligayahan kanyang naranasan
Literal nga na asawa niya Ligaya ang ngalan
Maging sa pamilya na kanyang iniwan
Buklod ng pagmamahalan at tunay na kaligayahan
I love you po daddy…

Daddy and Nanay
(This is my poem for my dad – Napoleon Fajut (1940-2005). I wrote this just this morning 20 March 2006. I could still remember those days we had together at the hospital. I never seen him worried about his condition…. same smile…same laughter…never thought it would be the last time I will see him… smiling and laughing…maybe that’s why I didn’t get a chance to attend his funeral… to keep his smile in my mind… full of hope and dedication…full of love and true joy)